A/N: Hello!
Quincy here!
Thank you for asking for the soft copy of this story.
I hope you enjoy reading kahit offline ka ;)
Visit my MB for feedbacks ha?
And please vote naman nung chappies na gusto mo, kung ok lang sana :)
May God bless you!
Prologue
- Gwynne's POV -
Ayoko pang magcollege!
Pero it's something to look forward to daw eh.
Edi look forward! >___<
Mukhang nakakapressure, pero exciting din at the same time.
Ano kaya ang pagdadaanan ko in the next four years?
Makakakita ba ako ng pag-ibig? CHOS.
Huwag naman sana.
Wag muna.
June - start of classes
Okay lang naman ang first days of school.
Medyo boring nga lang. Konti.
It's been a month na din since yung unang araw ng pasukan.
Marami akong nakilala.
May maganda.
May cute.
May gwapo.
May mabait.
May leader.
May follower.
May FC.
At..
Ang aking crush.
Nga pala, ako si Gwynneth Sarrosa. Tawagin niyo na lang akong Gwynne.
And as you probably know, first year college na ako.
At ito..
Ang aking buhay colegio :)
1. Ang Unang Tagpo. xD
- Gwynne's POV -
Monday ngayon. Last week na ng June pero ngayon lang kami nag-meet sa isang major subject namin.
CIT 101: Program Logic Formulation I
Yan yung subject.
Ayy, nga pala. Information Technology yung tinake up kong course. Mahilig ako dun eh.
Sa Information.
At Technology. CHOS lang. HAHA.
"Okay count off. One to five. We'll group you," instructions ng teacher.
Kaya ayun, nag count off kami.
I fell on number five.
"Now, group yourselves. Find your other companions," makaEnglish lang 'tong teacher namin oh. Nakakadugo sa
ilong. -____________-
Anim kami sa grupo. Isa lang yung lalaki.
Malas lang niya :P
"Okay, ako na muna magpapakilala since walang nagsasalita," wala tayong magagawa, madaldal kasi talaga ako eh.
"Ako nga pala si Gwynneth Sarrosa," pakilala ko sabay smile :D
"Ana Legardo."
"Valerie Montez."
"Hannah Valle."
"Kaye Morales."
"Alex Alcantara."
"Okay, pick a secretary blah blah blah," reporting pala ang gagawin namin? Weew, boring.
"Okay! Nice to meet you guys!" Sabi ko sa kanila tapos inisa-isa sila habang sinasabi yung mga pangalan nila.
"Ana, Valerie, Hannah, Kaye, A..." Napatigil ako sa kaisa-isahang lalaki sa group.
"Sino nga ulit?" Tanong ko. Walang pakundangang nalimutan ko kasi ang pangalan niya.
"Aray naman, bakit ako pa? Alex," sabi niya. May paarte arte pang nasasaktan daw.
Psh arte!
Ang sama ko.. Haha. >___<
"Ay sorry. Alex pala," sabi ko na lang tapos humarap na.
Hindi ako nahiya. Hindi ko alam kung bakit.
Hindi ko rin alam kung bakit sa simple ng pangalan niya, eh nakalimutan ko.
Natapos din ang hapon nang walang problema.
Pag-uwi ko sa dorm namin, naabutan ko ang best friend kong si Kirstie.
"Uy Kirstie! Kamusta first month?" Tanong ko sa kanya. Parang hindi lang magkasama sa iisang kwarto eh no? Haha.
"Ok lang, walang namamansin. Tssss," reklamo niya. Aww. Eh ba't sakin ang daming namamansin?
Accountancy kasi siya. Siguro hindi lang gaanong luka-loka ang mga tao dun.
Eh sa IT mga baliw eh. Tulad ko. xD
"Eh ikaw??" Tanong niya sa'kin.
"Alam mo, may gwapo akong classmate. Haha," kwento ko sa kanya.
Si Alex yung tinutukoy ko. Gwapo kasi siya eh. Wahaha.
Kinwento ko rin kay Kirstie ang kapalpakan ko.
"Haha, nastar struck 'te?" Panunukso niya.
"Hindi ah! Ewan ko nga eh. Tulog na tayo friend," yaya ko sa kanya.
Hindi siya matanggal sa isip ko. Aish ewan.
Edi crush!
Edi siya na rin yung gwapo!
Ano kaya mangyayari sa susunod na araw?
Add New Comment