MAGING TAGA-SU NOD NI KRISTO
(Fil ipos 1:27 – 2:18)
Unang Aralin: “Maging taga-sunod ni Kristo hanggang sa pakikipagbata kasama Niya.”
Layunin: Maituro sa bawa't mag-aaral na pagiging taga-sunod ni Kristo ay hindi lamang sa
pananampalataya bagkus gayun din sa pakikipagbata.
Mga Talata: Filipos 1:27-30
27. Ang inyo lamang pamumuhay ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo: upang,
maging ako ay dumating at kayo'y makita, o wala man sa harap ninyo, ay mabalitaan ko
ang inyong kalagayan, na kayo'y matitibay sa isang espiritu, na kayo'y mangagkaisa ng
kaluluwa na nangagsisikap sa pananampalataya sa evangelio;
28. Ang inyo lamang pamumuhay ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo: upang,
maging ako ay dumating at kayo'y makita, o wala man sa harap ninyo, ay mabalitaan ko
ang inyong kalagayan, na kayo'y matitibay sa isang espiritu, na kayo'y mangagkaisa ng
kaluluwa na nangagsisikap sa pananampalataya sa evangelio;
29. At sa anoman ay huwag kayong mangatakot sa mga kaaway: na ito sa kanila ay malinaw
na tanda ng kapahamakan, datapuwa't tanda ng inyong pagkaligtas, at ito'y mula sa
Dios;
30. Sapagka't sa inyo'y ipinagkaloob alangalang kay Cristo, hindi lamang upang
manampalataya sa kaniya, kundi upang magtiis din naman alangalang sa kaniya:
31. Yamang taglay ninyo ang pakikipagbuno na inyong nakita rin sa akin, at ngayo'y
nababalitaan ninyong taglay ko.
Mga Katanungan:
1. Ayon kay Pablo, ano klaseng pamumuhay mayroon ang taga-sunod ni Kristo?
2. Ano ang ibig sabihin ng pamumuhay ng mga taga-Filipinos na naaayon sa ebanghelyo?
3. Kung ito kanilang ginagawa, ano ang maaring maging pagpapatunay nito?
4. Bakit mahalaga na magpagtuloy ang mga taga-Filipos sa pakikipag-ugnayan ng may pakikiisa
sa espiritu at pananampalataya?
Mga Pagbubulay-bulay:
1. Ano ibig sabihin ng pagiging taga-sunod kay Kristo sa pananampalataya at pakikipagbata?
2. Bakit mahalaga na magpatuloy tayo sa pakikipag-ugnayan sa pakikipagkaisa sa espiritu at
pananampalataya?
3. Paano maipapakita na ang pakikipagbata ayon sa pagiging taga-sunod ni Kristo?
MAGING TAGA-SU NOD NI KRISTO
(Fil ipos 1:27 – 2:18)
Ikalawang Aralin: “Maging taga-sunod ni Kristo hanggang sa pagpapatamasa nito sa iba.”
Layunin: Maituro sa bawa't mag-aaral na pagiging taga-sunod ni Kristo ay hindi lamang
upang tamasahin ang biyaya ng ebanghelyo bagkus gayun din ang ipatamasa ito sa iba.
Mga Talata: Filipos 2:1-11
1. Kaya nga kung mayroong anomang kasiglahan kay Cristo, kung mayroong anomang kaaliwan ng pagibig, kung
mayroong anomang pakikisama ng Espiritu, kung mayroong anomang mahinahong awa at habag,
2. Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan, upang kayo'y mangagkaisa ng pagiisip, mangagtaglay ng isa ring pagibig,
na mangagkaisa ng akala, at isa lamang pagiisip;
3. Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o sa pamamagitan ng
pagpapalalo, kundi sa kababaan ng pagiisip, na ipalagay ng bawa't isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang
sarili;
4. Huwag tingnan ng bawa't isa sa inyo ang sa kaniyang sarili, kundi ang bawa't isa naman ay sa iba't iba.
5. Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito'y na kay Cristo Jesus din naman:
6. Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang
pagkapantay niya sa Dios,
7. Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:
8. At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang
sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.
9. Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan;
10. Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at
ng nangasa ilalim ng lupa,
11. At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.
Mga Katanungan:
1. Ano-anong bagay ang naranasan ng mga taga-Filipinos ng dahil sa ebanghelyo?
2. Kung naranasan ito ng mga taga-Filipos muna sa kanilang pakikipag-ugnayan sa ebanghelyo,
ano naman ang hinihingi sa kanila ni Pablo bilang taga-sunod ni Kristo?
3. Sa paanong paraan nila isasagawa ito?
4. Anong uri ng pag-iisip ang hinihingi ni Pablo sa mga taga-Filipos?
5. Anong uri ng pag-iisip ito?
Mga Pagbubulay-bulay:
1. Ano ibig sabihin ng pagiging taga-sunod ni Kristo na tumatamasa ng biyaya ng ebanghelyo?
2. Bakit mahalaga na ipatamasa natin ang biyaya ng ebanghelyo sa iba?
3. Paano natin maipapatamasa ang biyaya ng ebanghelyo sa iba?
MAGING TAGA-SU NOD NI KRISTO
(Fil ipos 1:27 – 2:18)
Ikatlong Aralin: “Maging taga-sunod ni Kristo hanggang sa pagpapatuloy ng pagsunod sa
wakas.”
Layunin: Maituro sa bawa't mag-aaral na pagiging taga-sunod ni Kristo ay hindi lamang
upang sundin ang unang mga hakbang ng panamampalataya bagkus gayun din sa kanyang
katapusan.
Mga Talata: Filipos 2:12-18
12. Kaya nga, mga minamahal ko, kung paano ang inyong laging pagsunod, na hindi lamang sa harapan ko, kundi
bagkus pa ngayong ako'y wala, ay lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may takot at
panginginig;
13. Sapagka't Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting
kalooban.
14. Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na walang mga bulungbulong at pagtatalo:
15. Upang kayo'y maging walang sala at walang malay, mga anak ng Dios na walang dungis sa gitna ng isang lahing
liko at masama, na sa gitna nila'y lumiliwanag kayong tulad sa mga ilaw sa sanglibutan,
16. Na nagpapahayag ng salita ng kabuhayan; upang may ipagkapuri ako sa kaarawan ni Cristo, na hindi ako
tumakbo nang walang kabuluhan ni nagpagal man nang walang kabuluhan.
17. Oo, kahit ako'y maging hain sa paghahandog at paglilingkod ng inyong pananampalataya, ako'y
nakikipagkatuwa, at nakikigalak sa inyong lahat:
18. At sa ganyan ding paraan kayo'y nakikipagkatuwa naman, at nakikigalak sa akin.
Mga Katanungan:
1. Anong kalubusan ng pagsunod ng ang inaasahan ni Pablo sa mga taga-Filipinos bilang taga-
sunod ni Kristo?
2. Ano ang ibig sabihin ng pagsunod ng mga takot at panginginig
3. Bakit kailangan may pagpapatuloy hanggang wakas ang pag-sunod ng isanga taga-sunod ni
Kristo?
4. Paano maipapakita ang pagsunod ng may pagpatuloy hanggang wakas?
5. Bakit hinihingi ni Pablo sa mga taga-Filipos na kanilang ipagpatuloy hanggang wakas ang
kanilang sinimulang pagsunod sa ebanghelyo?
Mga Pagbubulay-bulay:
1. Ano ibig sabihin ng pagpapatuloy ng paunang pagsunod hanggang wakas ?
2. Bakit mahalaga na maipagpatuloy ang pagsunod kay Kristo hindi lamang sa paunang
pagsunod bagkus hanggang wakas?
3. Paano natin maipapakita ang ating pagpapatuloy ng ating pagsunod hanggang wakas?
Add New Comment